Pinalawig pa ng Department of Health (DOH) ang supplemental immunization activity nito para measles, rubella, at oral polio vaccine hanggang sa March 7.
Sa datos ng DOH, nitong pagpasok ng buwan, tinatayang 83.7 percent pa lamang ang nabakunahan kontra measles o tigdas at rubella na malayo pa rin sa target population nito na 95%.
Paalala ng ahensya, sa pagpapalawig ng naturang immunization program, nawa aniya ay pabakunahan ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak.