Pinalawig ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kanilang COVID-19 vaccination drive sa line-2 stations, partikular sa Antipolo City.
Mula sa dalawang araw na schedule, lalarga ang pinalawig na bakunahan simula ngayong araw hanggang sabado, Marso a– dose.
Ito ay ayon kay LRTA Administrator Jeremy Regino, ay upang mahikayat ang mas maraming pasahero na magpaturok ng primary o booster shots saanmang LRT-2 vaccination sites.
Ang Antipolo Station, pinaka-dulong terminal at unang istasyon ng line 2 sa labas ng Metro Manila, na dinaragsa ng mga pasahero mula sa lalawigan ng Rizal.
Sisimulan naman sa Cubao Station, Quezon City ang libreng COVID-19 jabs ngayong araw lamang mula alas otso ng umaga hanggang mamayang alas kwatro ng hapon.
Samantala, tuwing Martes at Huwebes ang bakunahan sa recto station sa Maynila, mula alas otso rin ng umaga hanggang ala singko ng hapon.