Nasa kamay ng local government units na apektado ng bagyong Odette ang desisyon kung ipagpapatuloy ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga evacuation centers.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, mas mainam kung nakatuon muna sa relief and rescue operations ang mga apektadong lgus.
Samantala, sinabi pa ng opisyal na bago bakunahan ang mga evacuee ay dapat i-assess muna ang mga posibleng side effects nito.
Posible kasing ayaw magpabakuna ng mga ito dahil sa maaaring maranasang pananakit ng ulo, kasu kasuan at iba pa, ngunit case to case basis aniya ang bakunahan.