Inihayag ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na ang Pilipinas ang may pinakamababang vaccination rate o bilang ng mga Pilipinong naturukan ng booster dose laban sa COVID-19 sa buong Southeast Asia.
Ito ay dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 at pag usbong ng ibat-ibang variants ng virus.
Ayon kay Go, dapat na mas paigtingin ng Pamahalaan ang vaccination efforts at pataasin ang booster rate sa bansa para malabanan ang nakahahawang sakit.
Naniniwala si Go na ang pagpapabakuna ang tanging armas ng bawat isa, para wakasan ang COVID-19 pandemic.