Inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na target ng pamahalaan na simulan sa susunod na linggo ang pagtuturok ng booster shot sa mga bakunadong senior citizen at person with comorbidity.
Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa National Vaccine Operations Center hinggil dito.
Sinabi pa ni Galvez na nakikita nilang makatutulong ito upang maitaas ng hanggang 1.5 million ang daily vaccination rate. —sa panulat ni Hya Ludivico