Magsasagawa ng pagdinig ngayong araw ang kamara para busisiin ang vaccination plan ng pamahalaan.
Inimbitahan sa gagawing pagdinig sina vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., Department of Health Secretary Francisco Duque III, ilang mga opisyal ng gobyerno at ilang health expert.
Mababatid na naghain ng resolusyon sina Parañaque City 2nd Representative Joy Tambunting at Sultan Kudarat 1st Dristrict Representative Princess Sakaluran para magsagawa ng congressional inquiry para matignan ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan kontra COVID-19.
Bukod pa rito, nais din ng mga mambabatas na tiyaking magiging patas at pantay ang distribusyon ng bakuna oras na magsimula ito.