Aprubado na ng Department of Health at World Health Organization ang vaccination plan ng Pasig City.
Ito ang inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos ang kanyang pakikipagpulong kina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez at Testing Czar Vince Dizon.
Ayon kay Sotto, ang Pasig City pa lamang ang kauna-unahang local government unit sa bansa na mayroong DOH/WHO approved vaccination plan.
Kaugnay nito, tiniyak ni Sotto, na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pasig City beat COVID-19 Task Force sa mga ahensiya ng pamahalaan, WHO, private medical institutions at NGO’s.
Una nang sinabi ng DOH sa pagdinig sa senado na isa ang pasig city sa kanilang tinitignang lungsod para sa pagsisimula ng vaccination program.