Dapat maging mabilis ang mga gagawing pagbabakuna kontra COVID-19.
Ito ang iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa maikling shelf life ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Duque, sensitibo rin ang mga anti-COVID-19 vaccine sa temperatura kaya kinakailangang matiyak ang maayos na pag-iimbakan gayundin ang mabilis na pagdistribute sa mga ito.
Sinabi ni Duque, maliban sa national hub na paglalagyan ng mga darating na bakuna sa bansa, kinakailangan ding magkaroon ng warehouse sa regional hubs hanggang sa end point o lugar ng pagbabakuna.
Binigyang diin ng kalihim, posibleng umabot sa P85 bilyong pondo para sa COVID-19 vaccines ang maaaring masayang kung hindi magagamit ang mga bakuna dahil sa hindi maayos na imbakan at pagkakaantala sa distribusyon.