Humiling si Senador Sherwin Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang pagbabakuna para sa mga sanggol.
Kasabay ito ng ulat ng Department of Health (DOH) na may isang milyong sanggol na wala pang isang taong gulang ang hindi pa bakunado kontra vaccine preventable diseases gaya ng tigdas.
Binigyan-diin ni Gatchalian ang mahalagang papel ng mga Local Government Unit (LGU) sa pagpapatupad ng mga vaccination program at sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa Mandatory Infant And Children Health Immunization Act of 2011 o Republic Act 10152.
Batay sa DOH, isa ang Pilipinas sa 10 bansa na may pinakamababang immunization rate sa buong mundo. – sa panulat ni Hannah Oledan