Naantala ang inisyal na target ng gobyerno na makapagbakuna ng isa hanggang isa’t kalahating milyong Pilipino sa isang araw sa unang quarter ng taong 2022.
Ito, ayon kay National Task Force Against COVID-19 Special Adviser, Dr. Ted Herbosa, ay dahil maraming Health workers sa vaccination sites ang pinabalik sa mga ospital sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Ayon kay Herbosa, ilang healthcare workers na nasa vaccination sites ang inilipat sa COVID-19 wards o nahawahan sa gitna ng COVID-19 surge sa bansa.
Karamihan anya ng vaccinators na pawang doktor at nurse ay naka-quarantine ng ilang araw bago sila bumalik kaya’t bumabagal ang vaccination rate.
Magugunitang inanunsyo ng Philippine General Hospital na nasa 400 healthcare workers nito ang nagpositibo sa COVID-19.