Nagpapatuloy ang vaccination roll-out sa lungsod ng Maynila ngayong Sabado, Hulyo 3.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito’y dahil nabigyan na ng certificate of analysis ang mga biniling COVID-19 ng pamahalaang lungsod.
Mababatid na alinsunod sa hatian ng bakuna kontra COVID-19 sa lungsod, may inilaang tig-3,000 doses sa Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM Manila maging sa SM San Lazaro.
Habang tig-1,500 doses naman ang inilaan sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod na ginawang vaccination center.
Magugunitang nito lamang linggo ay aabot sa 400,000 doses ng Sinovac vaccines mula China ang binili ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng tripartite agreement.
Kasunod nito, nagpaalala si Moreno sa mga magpapabakuna na huwag kalimutan ang mga kakailanganing dokumento gayundin ang pag-obserba sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.