Dapat paigtingin pa ang pagbabakuna sa mga senior citizen o yung mga nasa A2 categories.
Ito ang iginiit ni Department of Health-Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman kung saan nakitaan na sa mga priority category nasa 59.75% pa lang ang fully vaccinated sa A2 category mas mababa sa A1 category na may 96.49% at 84.80% sa A3 category.
Kahit nasa 91.10% na ang fully vaccinated sa target population, 90.13% lang ang A2 o seniors na nabakunahan sa Metro Manila.
Naitala naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindana (BARMM) ang may pinakamababang fully vaccinated sa A2 category kung saan nasa 30.32% lamang.
Habang sa A3 category, tanging ang Region 9 pa lamang ang nakakamit ng 100% full vaccination para sa nasabing category.
Samantala, nagpaalala si De Guzman sa mga probinsya, highly urbanized cities, at independent component cities, na mahalagang maabot ang 70% fully vaccinated target population upang maibaba sila sa Alert level 1.