Posibleng dagdagan pa ng pamahalaan ang mga vaccination sites sa bansa sa pagpapatuloy ng vaccination program at National Vaccination Day.
Sinabi ng Department of Health (DOH), sa ngayon ay nasa 12 vaccination sites ang mayroon sa bansa kung saan maaari itong dumami dahil marami ang nagboboluntaryo na mobile vaccination sites sa iba’t ibang pampublikong lugar.
Kabilang dito ang mga malls, establisyimento, gymnasium kaya asahan na dadami pa ang vaccination sites sa mga susunod na araw.
Samantala, kasama rin sa kampanya para sa sa isasagawang National Vaccination Day ang National Capital Region (NCR).