Pinasimulan na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasig ang pagsasanay sa mga magsasagawa ng pagbabakuna kung sakaling dumating na sa bansa ang bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na ito’y isang importanteng hakbang bilang paghahanda sa pag-iimplementa ng COVID-19 Vaccination System ng Department of Health (DOH).
Nilinaw pa ng alkalde na wala pa ring nakakaalam kung kailan darating ang bakuna ngunit ang mahalaga aniya ay handa ang lokal na pamahalaan sa pagdating nito.
Ayon pa kay Sotto, uunahing bigyan ng bakuna ang mga medical frontliners, sunod ang mga senior citizens at mga persons with disabilities (PWDs) at batay sa ginawa nilang pag-aaral saka isusunod ang iba pang sektor.
Samantala, kamakailan lamang ay inianunsyo ng lokal na pamahalaan ng Pasig na naglaan ito ng may aabot sa P300-M pondo bilang paghahanda sa pagbibigay bakuna laban COVID-19 para sa mga Pasigueño.
Pasig City, through the Department of Health (Philippines) , has started training vaccinators in preparation for the…
Posted by Vico Sotto on Wednesday, 6 January 2021