Nag-iikot na sa Angeles City, Pampanga ang dalawang vaccine bus upang bakunahan ang mga senior citizen.
Ginagamit ngayon ng City Government ang dalawang bus para puntahan ang matatandang hindi na makalabas sa kanilang bahay kabilang ang mga nakaratay.
Target ng lokal na pamahalaan na bakunahan ang nasa 70% ng populasyon nito hanggang Nobyembre.
Sa datos ng Angeles City Senior Citizens Affairs, 462 matatandang dinapuan ng iba’t ibang sakit ang pupuntahan ng vaccine bus.
Kumpleto sa medical equipment ang nasabing sasakyan at sakay nito ang mga vaccinator, doktor ng city health office at Rafael Lazatin Memorial Medical Center at support staff mula sa city hall. —sa panulat ni Drew Nacino