Inihayag ni Covid-19 Vaccination Chief Carlito Galvez Jr., na na-expose siya sa ilang personel na nagpositibo sa Covid-19.
Mababatid na hindi nakadalo ng personal ang opisyal sa ginanap na pagharap sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.
Ayon kay Galvez, nasa 15 office staff nya ang naka-isolate na ngayon at patuloy na minomonitor ang kondisyon.
Sa ngayon ay tatlong cabinet member na ng chief executive ang naka-quarantine matapos na ma-expose sa mga pasyenteng nagpositibo sa virus.