Pinagaaralan ng Pilipinas ang posibilidad na itaas ang target ng vaccine coverage sa 80% mula sa 70% sa 109-M population ng bansa.
Ayon ito kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa gitna na rin ng tumataas na kaso ng Delta variant ng Coronavirus.
Sinabi ni Cabotaje na nangangahulagan itong maging ang mga wala pang 18 years old ay dapat na mabakunahan kontra COVID-19.
Kailangan aniyang tutukan ang supply ng bakuna at maging ang efficacy ng mga ito sa target nilang itaas ng 10% pa ang mga dapat maturukan ng COVID-19 vaccine.