Nagpositibo sa COVID-19 si vaccine czar secretary Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Galvez, mild symptoms lamang ang kaniyang nararamdaman at nananatili siyang matatag dahil bakunado sila kontra COVID-19 ng kaniyang pamilya na kasalukuyang naka-isolate.
Humingi naman ng paumanhin si Galvez sa mga taong nakasalamuha niya noong nakalipas na lima hanggang pitong araw.
Hinikayat din niya ang mga ito na magpa-test laban sa nabanggit na sakit at obserbahan ang health conditions.
Samantala, patuloy pa ring imo-monitor ni galvez ang vaccination efforts ng pamahalaan.