Hinikayat ni Department of Science and Technology (DOST) Vaccine Expert Panel Chairperson Dr. Nina Gloriani, ang publiko na magpaturok na ng booster kontra COVID-19 sa gitna ng banta ng Omicron variant.
Matatandaang nito lamang December 3, 2021 ay inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng booster shot sa mga edad 18 pataas.
Ayon kay Gloriani, mataas kasi ang tsansang kumalat ang Omicron variant sa mga lugar na may mababa ang vaccination rate kahit wala pang kumpletong ebidensya sa epekto ng panibagong variant sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero