Tinatayang aabot na lamang sa 10% ang vaccine hesitancy sa bansa.
Ayon kay Department of Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, higit na mas mababa ito kumpara sa 30% na naitala noong nakaraang taon.
Aniya, puspusan kasi ang pamahalaan sa paggawa ng paraan para maalis ang alinlangan ng publiko sa epekto ng COVID-19 vaccines.
Kabilang na rito ang ginagawang house-to-house at patuloy na pagdaraos ng malawakang vaccination drives.
Maliban dito, tuloy pa rin daw ang pamahalaan sa pag-abot ng nasa 77 milyong Pilipinong bakunado na kontra COVID-19 sa katapusan ng buwan ng Marso.