Nananatiling mataas ang vaccine hesitancy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay National Vaccination Operations Center Chairperson Usec. Myrna Cabotaje, marami ang hindi interesado na magpabakuna sa BARMM dahil sa mababang kaso ng COVID-19 sa lugar.
Ngunit aniya ay mas mainam na magpabakuna na ang mga residente doon upang sakaling tamaan ang mga ito ng virus ay hindi na ito magiging malala o severe case.
Kaugnay nito, tiniyak ni Cabotaje na patuloy na hihikayatin ng pamahalaan ang mga residente sa BARMM na magpabakuna na kontra COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico