Unti-unti nang bumababa ang vaccine hesitancy kontra Covid-19 sa mga probinsya ayon sa League of Provinces of the Philippines (LPP).
Sinabi ni LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., kakaunti na lamang ang nagdadalawang isip magpabakuna at mas naipapaliwanag na aniya ngayon ng mabuti ang protesyong dulot ng pagpapaturok ng Covid-19 vaccine.
Maging ang mga kabataan na rin aniya ay nahihiyakat na rin na magpabakuna.
Kapansin-pansin din umano na nabawasan na rin ang mga pagiging mapili ng mga tao sa brand ng bakuna.
Gayunman tiniyak ni Velasco na patuloy ang mga proyekto sa mga lokal na pamahalaan para mas lalo pang mahikayat ang mga tao na magpabakuna.