Kailangang pang mag-apply ng Emergency Use Authorization (EUA) ang vaccine manufacturers para sa third dose ng COVID-19 vaccine o booster shot.
Ayon ito kay Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center Myrna Cabotaje dahil ang EUA ng vaccine manufacturers ay para lamang sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine at para matiyak na rin aniyang ligtas ang ituturok na booster shot.
Sakaling makakuha ng EUA ang vaccine makers para sa booster shot ipinabatid ni Cabotaje na ipa-prioritize ng gobyerno ang senior citizens, healthcare workers at immunocompromised individuals.