Umapela si Pope Francis sa mga lahat ng mga bansa na magkaisa at magturingang magkakapatid upang sama-samang malabanan ang umiiral na pandemya ng COVID-19.
Ito ang iginiit ng Santo Papa sa kaniyang Urbi Et Orbi o Message to the City and to the World mula sa Vatican City kagabi, oras dito sa Pilipinas.
Tila tinuligsa rin ng Santo Papa ang tinatawag na vaccine nationalism o ang pag-ubos ng mga mayayamang bansa sa bakuna habang nahuhuli namang makakuha nito ang mahihirap na bansa.
Giit ng Santo Papa, hindi ito ang panahon upang maging gahaman ang mayayamang bansa dahil hindi nito masosolusyunan ang problema bagkus ay lalo lamang itong magdudulot ng mas malaking problema.
Ipinagdarasal din ni Pope Francis ang mga may sakit, walang trabaho, mahihirap at iyong mga biktima ng domestic violence sa mga panahong umiiral ang lockdown dahil sa pandemya.
Ginawa ng Santo Papa ang kaniyang taunang mensahe virtualy sa loob ng Papal Palace sa Vatican City sa halip na sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica dahil sa mahigpit na quarantine restrictions na ipinatutupad duon.