Maaari nang ipatupad ng mga employer ang “no work, no pay” rule simula sa December 1.
Ayon sa Department of Labor and Employment, ipatutupad ito sa mga on-site worker na tatangging magpabakuna at sumailalim sa RT-PCR testing.
Sa ilalim ng IATF Resolution No. 148 at 149, lahat ng establisyemento at employers ay inaatasang obligahin na magpabakuna ang kanilang mga empleyadong papasok on-site.
Papayagan namang pumasok on-site ang mga empleyadong naturukan ng kahit isang dose pa lamang at hindi rin sila oobligahing sumailalim sa regular RT-PCR tests.
Habang ang mga hindi pa nabakunahan ay kailangang sumalang sa RT-PCR tests isang beses kada dalawang linggo na sarili nilang gastos. —sa panulat ni Drew Nacino