Mas mabilis kaysa sa inaasahan ang isinagawang simulation exercise bilang paghahanda sa pagdating ng mga bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong araw.
Ito’y ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. kung saan, natapos lamang aniya sa loob ng 50 minuto ang isinagawang simulation na pinaglaanan aniya ng pamahalaan ng nasa 120 minuto o nasa dalawang oras.
Binigyang diin din ni Galvez na wala aniyang puwang para sa pagkakamali sa rollout ng bakuna, lalo na’t lubhang maselan ang bakunang galing sa Pfizer-BioNTech na inaasahan nang darating ng bansa.