Iminungkahi ng isang eksperto sa pamahalaan na maghanda ng backup recipients na naka-standby sa sandaling hindi dumating ang mga tatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y ayon kay Dr. Rontgene Solante, infectious disease specialist ng san lazaro hospital kasunod ng babala nito na posibleng magkaroon ng vaccine wastage.
Ayon kay Solante, napakahalaga ng bawat dosage ng bakuna kontra COVID-19 kaya’t mahalaga ang backup para sa mga mabibigong magpabakuna.
Bawat vial aniya ng bakuna ay maaaring paghatian ng nasa apat hanggang limang tao kaya’t mainam na masulit ito upang maiwasan ang pagkasayang.