Inamin ng valedictorian ng Philippine Military Academy Class Salaknib of 2017 na hindi niya binalak na manguna sa klase dahil ang makapagtapos sa PNA ang tangi lang niyang hangad noon.
Sinabi ni Rovi Martinez na noong nagsisimula pa lang siya sa akademya, maraming pagkakataong nabigo siya sa aspeto ng pisikal na pagsasanay at halos hindi na tuluyang makapasa.
Gayunpaman, marami aniyang tumulong sa kanya, lalo na ang mga kapwa niya babae.
Sa kanilang tulong at panghihikayat, naalala ni Martinez ang pangarap ng kanyang tatay na makapasok sa PMA na siyang naging dahilan niya sa pagpasok sa akademya.
Samantala, magiging kabilang si Martinez sa Philippine Navy at umaasang mahahawakan niya ang pinakamataas na pwesto, ang flag officer in command.
By: Avee Devierte