Bigong makadalo ang aktres na si Valeen Montenegro sa Spartan Beast race matapos magpositibo sa COVID-19.
Sa Instagram post ng komedyante, ibinahagi nito ang snippet ng kanyang training sessions para sa 32 kilometer-obstacle race.
Sa caption, ibinahagi ng aktres ang pagkadismaya nito at sinabing excited pa naman itong magcaption ng “spartang inaaaa” na trademark line nila ng co-actress na si Chariz Solomon.
Bagaman dismayado, proud at masaya naman ang aktres para sa kanyang mga kaibigan na nakadalo sa nasabing event. – sa panulat ni Hannah Oledan