Bawal nang gunitain ang Valentine’s Day sa Pakistan kasunod ng kautusan ng Islamabad High Court.
Maliban dito, ipinagbabawal na ang pagbebenta ng lahat ng uri ng mga produkto at advertisement sa electronic at print media na may kaugnayan sa ‘araw ng mga puso’.
Giit ng Supreme Court ng Pakistan, hindi rin papayagan ang paggunita sa Valentine’s Day sa anumang “public space” o government building.
Nag-ugat ang desisyon sa petisyon ng isang Abdul Waheed na nagsasaad na dapat ipagbawal ang Valentine’s Day dahil labag ito sa turo ng Islam.
Ginagamit lang umano ang ‘pag-ibig’ upang magkaroon ng pagkakataon ang ilan na maghasik ng imoralidad at kalaswaan.
By: Jelbert Perdez