Inaasahang papasok mamayang gabi sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Basyang
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,355 kilometers silangan ng Mindanao na may bugsong 65 kilometers per hour at hanging 45 kilometers per hour sa bilis na 25 kilometers per hour.
Posible itong mag-landfall sa Visayas at Mindanao.
Binabantayan ngayon ng PAGASA kung magdudulot ng pag-ulan ang Bagyong Basyang hanggang sa Huwebes, Valentine’s Day.
Posted by: Robert Eugenio