Naglunsad ng sariling contact tracing application o app ang Valenzuela City government.
Sa pamamagitan ng isang ordinansa, matagumpay na nabuo ang Valenzuela Tracing Application o ValTrace app na ginagamitan ng quick response o QR code system.
Kasabay nito, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residente na i-download ang app at kumuha ng kanilang QR codes bilang bahagi ng pag-iingat laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Magagamit ang QR codes tuwing papasok ang mga residente sa mga establisimyento sa lungsod.