Sinimulan na kahapon, araw ng Sabado, ng Valenzuela City Government ang mass testing ng COVID-19 bilang bahagi ng mga hakbang para mapigilan na ang patuloy na pagkalat ng virus.
25 indibidwal ang sinasabing isinailalim na sa COVID-19 testing ng lungsod.
Kabilang sa mga unang batch na sinuri ay ang dalawang nurse kanilang mga kaanak.
Target ng Valenzuela City LGU na ma-test ang 537 persons under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM).