Lumagda na ng kontrata ang Valenzuela City at Vigan City para sa pagbili ng AstraZeneca vaccines.
Ayon sa Valenzuela LGU, 640,000 doses ng bakuna ang kanilang bibilhin para s amga residente.
Mabibigyan nito ang tinatayang 320,000 individuals o katumbas ng 70% ng target population ng lungsod.
Kasabay nito, aabot naman sa 100,000 hanggang 120,000 doses ng AstraZeneca vaccines ang bibilhin ng Vigan.
Sinasabing sapat na ang bilang na ito para sa lahat ng mga mamamayan na edad 18 pataas.
Samantala, hindi binanggit ng mga nasabing lokal na pamahalaan kung magkano ang badyet nila para sa kanilang vaccination program.