Isang doktor sa lungsod ng Valenzuela ang gumagamit ng sign language para sa screening procedure ng COVID-19 vaccination sa lungsod.
Ito ay para maintindihan ng mga deaf resident ng nasabing lungsod ang proseso bago mabakunahan kontra sa nasabing sakit.
Bago kasi maturukan ng bakuna, kinakailangan na sumailalim sa screening ang isang indibidwal para malaman na maaari siyang mabakunahan.
Dahil dito, pinapurihan ng mga netizen si Doctor Macy Mananghaya dahil sa kanyang paglilingkod para sa pagsugpo sa COVID-19.
Ginagamitan ng face and hand movements ang American sign language.—sa panulat ni Rex Espiritu