Pinag-aaralan na ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang pagsasampa ng kaso sa may hawak ng digital recording na naglalaman ng usapan umano nina Peace Adviser Teresita Ging Deles at Senador Bongbong Marcos.
Ayon kay OPAPP Legal Consultant Atty. Jomer Aquino, sinuman ang nag-record ng nasabing usapan ng walang permiso mula sa mga taong nasa audio ay maaaring panagutin sa batas.
Mahigpit namang itinanggi ni Deles ang alegasyong hiniling niya kay Marcos na tumulong para i-cover up ang Mamasapano encounter para hindi makaapekto sa tiyansang maipasa ang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Una nang ibinunyag ni Retired General Diosdado Valeroso ang hawak na digital recording bagamat hindi tinukoy kung sino ang mga nag-uusap sa naturang audio.
By Judith Larino