Mabagal pa rin umano ang validation process ng Department of Health (DOH) sa resulta ng mga isinasagawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests.
Ipinabatid ni Dr. Althea De Guzman ng epidemiology bureau ng DOH na makalipas ang ilang buwan ay nasa 10 hanggang 12 araw pa rin ang pagproseso ng data sa confirmed COVID-19 cases bago ito maisapubliko.
Ang turnaround time aniya ay inaabot kadalasan ng 7 hanggang 10 araw habang ang dalawang araw naman ay ginugugol para maibigay sa local government units ang COVID-19 test results.
Inamin ni De Guzman na malaking hamon sa kanilang makuha ang real time data dahil paper based ang mga dokumento at maraming tanggapan pang dinadaanan ito.