Sisimulan na sa Marso ng Philippine National Railways ang validation testing ng mga hybrid electric train na ginawa ng Department of Science and Technology.
Ito, ayon kay Transportation Spokesperson Goddes Hope Libiran, ay upang matiyak na ligtas gamitin ng publiko ang mga nabanggit na tren.
Taong 2017 nang ilunsad ng DOST ang hybrid electric train na may maximum speed na 50 kilometers per hour bilang kontribusyon ng ahensya sa solusyon sa lumalalang traffic congestion sa Metro Manila.
May kapasidad ito na 650,000 commuters kada araw sakaling maging fully operational at pinatatakbo sa pamamagitan ng diesel at electric-powered battery.