Muling pinalawig muli ng Korte Suprema ng anim na buwan o hanggang June 30, 2022 ang validity ng notarial commissions na napaso noong Disyembre 2020.
Sa isang resolusyon, pinagtibay ng Supreme Court En Banc ang hirit ng isang Atty. Rameses Villagonzalo na i-extend muli ang validity ng kanyang notarial commission.
Una nang pinalawig ng mataas na hukuman ang bisa ng mga notarial commissions hanggang June 30, 2021 at na-extend pa ng hanggang sa December 31, 2021.
Matatandaang humirit ng extension ng notarial commission ang mga abogado dahil sa delay at hirap sa pagkuha ng mga documentation requirements bunsod ng travel restrictions at work disruptions na dala ng pandemya.