Palalawigin ng LTFRB o Land Transportation and Franchising Regulatory Board sa tatlo mula sa isang taon ang validity ng prangkisa ng TNC’s o Transport Network Companies tulad ng Grab, Uber at U Hop.
Ito ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra ang napagkasunduan nila sa isinagawang ikatlong pulong ng technical working group.
Sinabi ni Delgra na makatuwiran na ang tatlong taong validity ng prangkisa ng TNC’s.
Magpapalabas aniya sila ng memorandum hinggil sa validity extension bago matapos ang buwang ito.
Ang prangkisa ng Grab ay napaso na noong Hulyo at noong isang buwan naman nag-expire ang prangkisa ng Uber.