Inihain ni Senator Sherwin Gatchalian sa Senado ang panukalang batas na layunin tanggalin na ang validity period ng mga prepaid load credit sa mga cellphone at internet service.
Ayon sa senador, dahil sa umiiral na COVID-19 pandemic, lahat ay nangangailangan ng higit na serbisyo ng mga telco lalo kaya’t dapat na hindi ito pagdusahan ng publiko.
Kailangan aniyang masulit ng publiko ang mga serbisyo dahil kanila naman itong binayaran at mahalaga ang bawat sentimong mawawala rito.
Dahil dito, hiniling din ni Gatchalian na vice chair ng Senate Committee on Economic Affairs na repasuhin ang mga panuntunang pinaiiral ng mga telco at ICT providers.