Binigyan ng ultimatum ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Valisno Bus Company para i-surender ang yellow plates ng lahat ng kanilang bus.
Mayroong hanggang bukas, Agosto 14 ang Valisno para isuko ang plaka ng kanilang 62 bus matapos suspindihin ng LTFRB ng 30 araw ang kanilang operasyon sa Metro Manila.
Tiniyak ng LTFRB na huhulihin at mai-impound ang mga bus ng Valisno sakaling may magtangkang bumiyahe habang umiiral ang suspensyon.
Ayon sa LTFRB, ang mga pasahero ng Valisno na magmumula sa Visayas ay kailangang lumipat ng ibang bus pagdating sa Batangas Port.
Una rito, 4 katao ang nasawi at 18 iba pa ang sugatan matapos bumanga sa marker ng boundary ng Quezon City at Caloocan sa Quirino Highway ang Valisno Bus.
By Len Aguirre