Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maayos ang “value chain” upang matugunan ang short-term at long-term na suliranin sa sektor ng agrikultura.
Sa kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA), inamin ni Marcos Jr., na naka-upo rin bilang kalihim ng Department of Agriculture na lubos na naapektuhan ang food supply ng bansa.
Aniya, ang suliranin sa food supply ay magreresulta ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Dahil dito, sinabi ni Marcos Jr. na itataas niya ang produksyon ng mga kalakal at produktong pang-agrikultura.