Tuloy-tuloy ang ginagawang panawagan ni Ombudsman Samuel Martires sa mga Catholic schools sa bansa.
Ito ay para hingin ang kanilang suporta para sa values formation program na inieendorso sa mga colleges and universities sa bansa.
Aniya, kahit isa ay wala pang tumutugon sa kaniyang kahilingan kaya’t hindi pa rin titigil ang kanyang panawagan sa mga ito.
Matatandaang lumagda ang Commission on Higher Education (CHED), University of the Philippines (UP) at Office of the Ombudsman ng isang memorandum of agreement para maituro ang values at moral formation sa mga mag aaral. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)