Naghahanda ang Vancouver Consulate General’s Office para sa papalapit na May 9 Philippine presidential elections.
Ayon kay Consul General Maria Andrelita Austria, inaasahan nilang darating na sa kanila ang unang batch ng election ballots mula sa Commission on Elections (COMELEC) sa kalagitnaan ng kasalukuyang buwan habang sa Abril a-kuwatro naman ang counting machines.
Dahil dito, posibleng simulan na ang mailing out o ang pagpapadala ng balota sa mga Pinoy sa unang linggo ng Abril.
Kaugnay nito, nagpaalala si Austria sa mga Pinoy sa Vancouver na i-check o tingnan na ang kanilang mga pangalan sa Certified List of Overseas Voters matapos tanggalin ng COMELEC ang nasa higit kumulang 600,000 botante na hindi nakaboto noong taong 2016 at 2019.
Dapat ding alamin kung tama ang mga nakarehistrong address at kung sakaling lumipat na ng tirahan, mag-send agad ng email sa nasabing konsulada para maabisuhan agad ang COMELEC.
Maaari rin namang kunin na lamang ang balota sa mismong tanggapan ng Vancouver Consulate General’s Office pero kailangang mag-abiso bago ang katapusan ng Marso. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles