Isinusulong din ngayon sa Kamara ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga health supplements at mga cosmetic products.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe, layon ng tinawag niyang Vanity Tax na tuldukan na ang kurapsyon sa bentahan ng mga health supplements tulad na lamang ng Viagra.
Partikular na inihalimbawa ni Batocabe ang talamak na suhulan sa Food and Drugs Administration o FDA para lamang maaprubahan ang isang health supplement product.
Giit pa ng mambabatas, mas makabubuti na aniya ito kaysa sa patawan ng dagdag na buwis ang mga produktong petrolyo na magiging dagdag pahirap aniya sa publiko.
By Jaymark Dagala