Pinangangambahang maharap ang bansa sa bagong epidemic matapos na maging ganap na batas ang kontrobersyal na Vape bill.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Maricar Limpin, Presidente ng Philippine College of Physicians, na magiging malaking dagok ito sa kalusugan ng mga mamamayan partikular sa kabataan.
Nakakalungkot din aniya na ibinaba sa 18 anyos ang pinapayagang makabili o gumamit ng vape products mula sa dating 21 anyos pataas.
Ang nasabing batas ang magre-regulate sa importasyon, manufacture, packaging, distribusyon, at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotine na mga produkto, gayundin ang mga produktong gawa sa tabako.