Hinimok ni Anakalusugan Representative Mike Defensor ang pamahalan na buwisan at iregulate na ang mga vape at e-cigarette products sa bansa.
Ayon sa kongresista, nakakapag-operate ang mga vape stores nang hindi nagbabayad ng buwis.
Dapat din aniya na makita sa gagawing pag-regulate ang nilalaman ng mga vape products para matiyak na ligtas ito.
Samantala, nanindigan naman si Defensor na susuportahan nito ang panukalang pagpapataw ng buwis sa mga naturang produkto. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)