Kumpiyansa si Senador Sherwin Gatchalian na mas iigting pa ang kampanya o crackdown sa smuggling ng electronic vape.
Ito ay matapos mangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susuportahan ng pamahalaan ang kampanya laban sa smuggling ng vapes.
Ayon kay Senador Gatchalian, umaasa sila na mapapanagot na ang mga sangkot sa smuggling ng vapes at mabubuwag na ang mga operasyon nito dahil determinado ang pangulo na buwagin at lutasin ang problema ukol sa nasabing produkto.
Binigyang-diin ng mambabatas na ang smuggling ay hindi lang nakakapinsala sa ekonomiya ng bansa kundi nakaaapekto rin sa kapakanan at kalusugan ng mga consumer.—sa panulat ni John Riz Calata