Sinopla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga puna ng oposisyon na wala umanong batas hinggil sa kanyang direktiba na pagbabawal sa pagbi-benta at paggamit ng vape o e-cigarette.
Pahayag ng pangulo, na base sa umiiral na Consumers Protection Act, kapag ipinagbawal ang isang produkto sa place of manufacture o lugar kung saan ito ginawa, dapat na otomatikong banned o ipagbawal narin ito sa Pilipinas.
Dagdag pa ng pangulo, maging sa ilang lugar sa Amerika na syang pinagmulan ng vape ay mahigpit naring ipinagbabawal ang paggamit nito dahil sa masamang epekto sa katawan.
Giit ng punong ehekutibo, hindi sumailalim sa pagaaral ng Dood and Drugs Administration (FDA) ang vape kaya’t malinaw na mayroon syang matibay na basehan upang i-ban ang paggamit at pag-iimport nito sa bansa.